PAUNAWA
Maliwanag kong sinasabi sa ating lahat na ang masasakit na salita na ginamit namin dito sa website patungkol sa mga kastila ay hindi para magsimula ng away o’ alitan sa panig ng Maharlika at Espanya. Kagaya ng unang-unang nasabi ko ang maliwanag na maliwanag na pakay
sa nilalaman ng website na ito ay para maipaabot ko sa aking mga kababayan
ang tunay na Katotohanan, tunay na Katarungan at tunay na Kalayaan na matagal na matagal na nating minimithi, Una ang katotohanan kalimitan ay nakakasakit. Pangalawa, walang tao o’ nasyon na hindi nagkakamali. Pangatlo, sana magsilbing aral sa atin para hindi na maulit ang pang aapi, pang aalipin at pang aalila sa kanino man sapagkat tayong lahat ay magkakapatid na anak ng ating Panginoon.
Ano ang layunin ng kilusan para palitan ang pangalang Pilipinas sa pangalang Maharlika?
Sagot: Ang tunay at napakalinaw na layunin ng ating kilusan ay upang ipaliwanag sa inyong lahat ang tunay na katotohanan at tunay na katarungan na ang ating bansa ay hindi tunay na malaya kung ang pangalan ay Pilipinas, sapagkat ang pangalang Pilipinas ay walang kabuluhan at walang katuturan, dahil ang ngalang ito ay hango sa pangalan ng dating hari ng Espanya na si King Philip II na siyang nag utos at nagpahintulot na nakawin ang kalayaan at dignidad ng ating bansa at ng ating mga kababayan. Samantalang, ang pangalang Maharlika na ating ipapalit sa ngalang Pilipinas ang ibig sabihin ay (according to Tagalog dictionary) ay Nobility o’ kagalanggalang na angkop na angkop sa pagkatao nating lahat. Sa awa at tulong ng ating Panginoon ang bagong pangalan ng ating bansa, sa wakas ay mayroon ng dakilang kabuluhan!!
Maikling Kwento ng ating bansa:
Noong 1521 ay dumating sa syudad ng Cebu si Ferdinand Magellan sampu ng kanyang kasamahan na nakasakay sa mga malalaking barko, upang sakupin ang ating pinakamamahal na bansa. Hindi pumayag ang ating Bayani na si Lapu-lapu sampu ng kanyang mga kapwa magigiting na kasamahan kaya dumanak ang dugo sa dalampasigan hanggang mapatay si Magellan ng ating magiting na Bayani na si Lapu-lapu.
Matapos ang labanan nila Lapu-lapu at Magellan, sa kasawiang palad ay namayani ang mga kastila at tuluyan na nilang inangkin ang ating bansa. Pagkatapos tuluyan na nilang ninakaw at pinagsamantalahan ang ating dignidad at kalayaan sa ating sariling bayan.
PAALALA:
Ang Kilusan para Palitan ang ngalang Pilipinas sa ngalang Maharlika (KPPM) ay hindi para sa isang Juan Dela Cruz lamang kundi para sa lahat ng mamamayan na tunay na nagmamahal sa ating bansang Maharlika. Ang Kilusang ito ay ating itinatag para sa kabutihan nating lahat. Ngayon, Dalawang pangalan na lamang ang ating pagpipilian! PILIPINAS o’ MAHARLIKA.
Dapat natin laging isaala-ala ang napakamahalagang kasabihan na: “Ang pinili at isinugal natin sa buhay ang siyang magtatakda ng ating kapalaran.” Sa wikang Ingles: “The choices we make and the chances we take determine our destiny”.
TANONG:
Ano ang pipiliin natin?
Maharlika o’ Pilipinas?
Katotohanan o’ Kasinungalingan?
Katarungan o’ Kaapihan?
Kalayaan o’ Kamatayan?
Kung hindi ngayon, kailan???