Mga Kaganapan
Magandang balita, may balak si Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang ngalang Pilipinas sa ngalang Maharlika ayon sa kanyang talumpati sa telebisyon noong Pebrero 12, 2019 araw ng Martes! Sa aking pananaw ang kanyang balak na palitan ang ngalang Pilipinas sa ngalang Maharlika ay isa sa pinakamalaking pag-asa natin na matupad ang layunin ng Kilusan para Palitan ang ngalang Pilipinas sa ngalang Maharlika.
Manalangin tayo sa ating Panginoon na gabayan at pahintulutan na sumang-ayon ang nakararami sa ating mga kababayan, karamihan sa ating mga mambabatas, senador at senadora sa ating Pangulo.
Pakibasa niyo ang aking email sa ating Pangulo noong Pebrero 22, 2018. Mangyari na basahin ninyo ang email ko sa Malakanyang.
———- Forwarded message ———
From: ado poblete ez127645@gmail.com
Date: Fri, Feb 23, 2018 at 1:31 AM
Subject: Re: Pakiusap
To: Malacanang Records Office mro@malacanang.gov.ph
Salamat!!
Ado Poblete
On Thu, Feb 22, 2018 at 10:51 PM Malacanang Records Office mro@malacanang.gov.ph wrote:
Good Day!
This is to acknowledge receipt of your email with assigned Barcode No. RE1807244. Please be informed that such was forwarded to the Presidential Complaint Center (PCC) for appropriate Action. You may follow up this document at (02) 736-8629 after three (3) days upon receipt.
Thank you.
MRO
From: ado poblete ez127645@gmail.com
To: mro@malacanang.gov.ph
Sent: Thursday, February 22, 2018 10:44:01 PM
Subject: Pakiusap
Mahal na Pangulo Duterte
Hanga ako sa paninindigan nyo sa Amerika!
Matagal ng inaapi ng Amerika ang Pilipinas. Kailangan ay sumunod sa utos ang dating Pangulo ng Pilipinas sa kagustuhan ng America. Bagamat ako ay nasa Amerika, hindi ko kailanman inisip na mas magaling sa akin ang mga Amerikano. Kaya nuon na tinawag nyo na SOB si dating Pangulong Obama, nag-umpisa akong humanga sa paninindigan nyo. Wala kahit sinong Pangulo ng Pilipinas nuon, ang nakagawa ng ginawa at ginagawa ninyo.Wala sinong bansa ang puwedeng utos-utusan ang kasalukuyang Pangulo Duterte ng Pilipinas!! Kahit si Trump na ubod ng yabang, ay hindi nagawa sa inyo na pakialaman kung paano ang gagawin nyo sa US Aide, dahil siguro sa nerbiyos. Ngayon natauhan na Sila!!!!
Pangulong Duterte, napakatagal ko ng minimithi at pinapangarap na ang ngalang Philippines, Pilipinas, Pilipino at Pilipina ay isang napakalaking pagkakamali. Ang ngalang Philippines ay alam nating lahat na ito ay hinango sa pangalan ng dating hari ng Espanya na si Haring Philippe II.
Daang-daang taon na ang lumipas at walang dating Pangulo ng Pilipinas ang may sapat na paninindigan na itama ang napaka laking pagkakamali na ipangalan ang pinakakamahal nating bansa sa hari ng Espanya, na si Philippe na nag-utos o’ nagpahintulot na Apihin, Lapastanganin, Alipinin, Gahasain ang ating mga ninuno “Sa sarili nating Bayan.”
Ang alam natin, na kaya lumalawig ang Kasinulingan at walang Katarungan, ay sa dahilang ang may hawak ng Katotohanan at Katarungan ay pinili na tumahimik na lamang. Ilan sa mga puwedeng dahilan nila ay ang Takot, Hiya, Wala silang Pakialam, at ang karamihan ay nagsasabi sa akin “Ado naman, naman, daang daang taon na ang lumipas, at huli na ang lahat para palitan natin ang pangalan ng ating bansa, tanggapin na natin”. Medyo galit akong sumagot “Meron bang Expiration Date ang Katotohanan at Katarungan?”
Ako si Ado Poblete na taga Naic, Cavite. Una kong nasilayan ang liwanag nuong Marso 13, 1951. Nag-aral ako sa Mababang Paaralan ng Naic, sa mataas na pamantasan ng Santo Tomas, at sa De la Salle College sa Maynila na nagtapos ako ng dalawang kurso, BSBA major in Business Management at BSC major in Accounting.
Pumunta ako sa Amerika nuong Agosto 1980. Naging mabuting mamayan ako at nabigyan ng karangalan ni Mayor Palmer na “ Negosyante ng Taon sa siyudad ng Trenton, New Jersey nuong 1994, sampung taon mula ng inumpisahan ko ang aking hanapbuhay nuong Septiyembre 1984. Mula ng dumating ako sa Amerika ay lagi kong ipinagmamalaki ang Pilipinas at ang ating lahi. Sa aking bahay sa Upstate New York ay araw-araw na may bumabanderang watawat ng Pilipinas at ipinagmamalaki ko sa mga bisita kong Amerikano. Sabi ko “That is the Flag of my most beloved country”
Mahal na Pangulong kahanga-hanga , sana ay mapag-isipan nyo at mapagtanto at tuluyang maisulong at maipasa nyo sa Kongreso, Senado at sa Kataas-taasang hukom na napapanahon na para itama ang napakalaki at kasuka-sukang pangalan ng ating bansa lalo na pag naiisip ko na hinango ito sa pangalang mapangapi, mapangalipin at magnanakaw ng dignidad ng ating mahal na kababayan na dating Haring Philippe ng Espanya.
Marami ng bansa ang nagbago ng pangalan.
- Iran dating Persia
- Cambodia dating Kampuchea
- Myanmar dating Burma
- Jordan dating Transjordan
- Ethiopia dating Abbysinia
- Botswana dating Bechuanaland
- Shri Lanka dating Ceylon
- Democratic Republic of the Congo dating Zaire
- Burkina Faso dating Upper Volta
- Benin dating Dahomey
Naniniwala ako na tayo ang may pinaka may Katuturan at pinakamagandang layunin para baguhin ang maling-maling pangalan ng Philippines!
Ipinakikiusap ko una sa Panginoong Hesukristo at sa iyo Mahal na Pangulong Duterte na sa ngalan ng Katarungan, Katotohanan at Kalayaan na ang maging pangalang angkop ng ating pinakamamahal at kaisa-isang bansa ay MAHARLIKA!