Ano ang ipinaglalaban ng Kilusan para Palitan ang pangalan ng Pilipinas sa Maharlika?
Sagot: Tatlo lamang ang aming ipanaglalaban sa aming kilusan at ang mga iyon ay tunay na katotohanan, tunay na katarungan, at tunay na kalayaan.
Bakit naman natin babaguhin pa ang pangalan ng Pilipinas na nagtagal na ng 498 years?
Sagot: Ang kasinungalingan at hindi makatarungang pangyayari ay laging may taning ang buhay. Samantalang ang katotohanan at katarungan ay walang taning ang buhay dahil ang mga ito ay hanggang magpakailanman. Ang kasinungalingan at hindi makatarungan na pangalang Pilipinas ay may taning na 498 taon na lamang, kaya pagkakataon na natin Ngayon na itama ang kasinungalingan, hindi makatarungan at hindi magpapalayang pangalan sa ating inang Bayan at sa ating lahat!!!
Paano natin ipaglalaban ang ating kilusan?
Sagot:
-
Ang ating pinaglalaban ay tunay na katotohan, tunay na katarungan at tunay na kalayaan na sa aking paniniwala ay madaling ipaliwanag sa mga sumusunod: Una, endorso ng ating Pangulo na si Rodrigo Roa Duterte (pareho pala ang aming binabalak). Pangalawa, endorso ng mga mambabatas, senador at senadora.
Pangatlo, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang sigaw na dumadagundong ng ating mga mamamayan, na sila ay sumasang-ayon na palitan ang ngalang Pilipinas sa ngalang Maharlika.
Bakit kailangan natin na ipaglaban ang Kilusan para Palitan ang ngalan ng Pilipinas sa ngalang Maharlika?
Sagot: Simula ng nilusob at inangkin ng Kastila noong 1521 ang ating pinakamamahal na inang bayan sa pamumuno ni Ferdinand Magellan ay hindi na tayo naging malaya. Ngayong 2019 na, apat na raan at siyamnapu’t walong (498) taon na na tinatanggap ng iba nating kababayan ang kasinungalang pangalan na Pilipinas, Philippines, Pilipino, o Pilipina.
Hanggang kailan pa tayo magtitiis at tatanggapin ang napakalaking kasinungalingang ito? Kung hindi ngayon, kailan pa?
Ipinagdidiinan kong sinasabi sa inyo na, ngayon na natin pag-isahin ang ating isip, puso, at damdamin sa ating kilusan. Pahihintuin at buburahin natin ngayon sa ating isipan ang kasinungalingan at hindi makatarungang pangalang Philippines, Pilipinas, Pilipino, o Pilipina.
Ngayon naman ay hinihiling kong ipikit natin ang ating mga mata at pakilusin natin ang ating imahinasyon: Ang ating napakaganda at napakatalinong kandidata sa Miss Universe ay pakembot-kembot na naglalakad sa harap ng mga tao sa buong mundo at taas noo nyang binabalabal sa kanyang gown at bikini ang pangalan ng kanyang pinakamahal na bansa na Maharlika. Ngayon ay imulat natin ang ating mga mata at sabihin nyo na masarap buuin sa ating imahinasyon na talagang mas bagay na bagay sa kanya ang pangalan na Miss Maharlika kaysa sa ngalang Miss Philippines, hindi po ba?
May katotohanan ba at katarungan ang ating ipinaglalaban sa KPPM?
Sagot: Kung meron akong sinabi sa inyo na sa tingin nyo ay kasinungalingan, mangyari lamang na tumindig at ipaliwanag ang kanyang napakaliwanag na katibayan na ako ay sinungaling. Sige, ang matapang na naninira ng ating kilusan ay tumindig at ipaliwanag ang katotohan ng kanyang kasinungalingan at kanyang likas na hindi mabuting tao.
May karapatan ba tayo na ipaglaban ang Kilusan para Palitan ang ngalan ng Philippines sa ngalang Maharlika?
Sagot: Mga mahal at iginagalang kong kapwa Maharlikan, hindi lamang ako ang may karapatan kundi tayong lahat ang may karapatan na ipagtanggol ang Katotohanan at Katarungan na inuutos ng ating Panginoon.
Meron ba sa inyo na gustong sumuway sa utos ng ating Panginoon? Siguro naman ay wala.
Ano ba talaga ang katotohanan at saan nagsimula itong paghihimagsik ng isip, puso at damdamin natin?
Sagot: Noong ako ay nasa junior year sa De Lasalle, nabasa ko sa aklat na RIZAL kung bakit niya ipinaglalaban ang ating kalayaan sa mga Kastila, sa pamamagitan ng pluma at papel. At ang malagim na katapusan ng ating pambansang Bayani ay nang siya ay barilin sa Luneta na nakapiring ang kanyang mga mata at nakagapos ang kanyang dalawang braso sa kanyang likuran. Iminumungkahi ko sa ating lahat na Maharlikan na basahin ang mga aklat na isinulat ni Gat Jose Rizal at mga aklat patungkol sa buhay ni Andres Bonifacio at sa marami pa nating bayani na lumaban sa mga kastila. Doon malalaman na ang mga Maharlikan ay matatalino at matatapang.
Alam ba ninyo ang tunay na dahilan, kung bakit naglipana ang kasinulingan at walang katarungang pangyayari sa mundo?
Sagot: Dahil ang may hawak ng katotohanan ay piniling tumahimik na lamang.
Bakit?
- Dahil ang may hawak ng katotohanan at katarungan ay natatakot na baka may masamang gawin sa kanya at sa kanyang pamilya ang salarin.
- Dahil wala siyang pakialam sa katotohanan at katarungan, dahil ang pakialam lamang nya ay kumain ng tatlong beses sa isang araw. Totoo yan ang pagkain ng pamilya ang dapat unahin subalit matapos nya makuha ang pagkain sana naman makapag-ambag kayo sa pamamagitan sa pagpalit sa pangalang Pilipinas sa ngalang Maharlika.
- Dahil naghihintay siya ng suhol bago niya isiwalat ang katotohanan at katarungan.
- Dahil siya ay pinatay na ng salarin.
- Hindi siya pinayagan ng kanyang pamilya na magsumbong sa mga alagad ng batas.
- Nilisan na niya ang ating bansang Maharlika at nagtungo na siya sa Timbuktu.
- Dahil ang salarin ay isa sa kanyang minamahal na anak, asawa, ina, ama, apo, at taong mahal niya sa buhay.
- Dahil pinangakuan siya ng Alkalde ng bayan na siya na ang susunod na Chairman ng mga basurero at supultorero kapalit ang kanyang katahimikan.
- Dahil ang pinakamamahal niyang kasintahan ay nagsabing hihiwalayan siya kung magsusumbong sa alagad ng batas.
Narinig nyo na ba ang kasabihan na: “Ang duwag ay libu-libong beses namamatay, subalit ang matapang ay isang beses lang”? Ano ang pipiliin natin? Na libong beses tayong mamatay o’ isang beses lang?
Papaano natin ipakikila ang ating sarili bilang isang Maharlikan?
Ang Isang tunay na Maharlikan ay may mga ugali o’ katangian katulad ng mga sumusunod:
Una, ang isang Maharlikan ay may apat na prayuridad sa buhay: I. Makapamilya at ang hari o’ pinuno ng kanyang pamilya ay ang kanyang Panginoon II. Makabayan handa siyang ipagmalaki kahit saan at kahit kanino ang kanyang bansang Maharlika, at handa siyang ipagtanggol hanggang kamatayan ang Maharlika sa sinumang dayuhan na may gustong sakupin ang Maharlika III.Kapwa tao na ang kanyang paniniwala ay “huwag mong gagawin sa iyong kapwa ang ayaw mong gawin ng kapwa mo sa iyo”. IV.Kalikasan
Pangalawa, Ang isang tunay na Maharlikan ay hindi tumitigil kailanman habang siya ay nabubuhay ng pananaliksik upang makamtan ang tunay na Katotohanan, tunay na Katarungan at tunay na Kalayaan sa pamamagitan ng kanyang sintido kumon, konsensya at matibay na ibedensya.
Pangatlo, ang isang tunay na Maharlikan ay laging gumagamit ng kanyang sentido kumon (common sense) at konsensya para makagawa siya ng tunay na makabuluhan na desisyon.
Pang-apat, ang tunay na Maharlikan ay Hindi palaging sumasandal sa batas ng tao o’ tradisyon upang makamtan ang tunay na Katotohanan, tunay na Katarungan at tunay na kalayaan: Halimbawa napakarami sa atin (maliban sa akin) ay daan-daang taon na nating pinaniniwalaan ang paniniwala ng ating mga ninuno hanggang sa ating mga magulang na wala naman talagang matatag na ibedensya o’ basehan.
Ano naman ang ibig sabihin ng PHILIPPINES o’ PILIPINAS?
Maliban sa ngalang Philippines o’ Pilipinas ay napakalaking kasinungalingan at hindi makatarungan at walang kabutihang ipanahahayag maliban sa ito ay hango sa pangalan ng dating hari ng Espanya na siyang nagnakaw ng ating DIGNIDAD at KALAYAAN. Siya rin ang nag-utos at nagpahintulot na tayo ay alipinin, alilain, gahasain, pagmalupitan, at buong poot na saktan ang ating isip, puso, at damdamin. Tuwing sasambitin ko ang ngalang PHILIPPINES ay kinikilabutan ako dahil pakiramdam ko na ang ating bansa ay pag-aari pa rin ng Espanya na sukdulang napakalayo sa KATOTOHANAN.
Sino-sino ang hihikayatin natin na sana ay tumulong at makiisa silang lahat sa ipinaglalaban ng ating kilusan?
Sagot: Sa lahat ng mga:
- Mga guro.
- Mga chairman at kanyang mga kagawad sa barangay.
- Alkalde at konsehal ng bawat bayan.
- Gobernador and board members ng bawat lalawigan.
- Mambabatas at senador sa buong kapuluan katulad ni Manny Pacquiao at dati nating pangulo sa bansa at ngayon ay speaker ng batasan na si Gng. Gloria Macapagal Arroyo at kasalukuyang pangulo ng ating senado na si Tito Sotto.
- Mga nangunguna sa mga religious organisasyon katulad nila Kardinal Tagle at iba pang kasama niya na kardinal sa samahang katoliko. Ang nangunguna sa Iglesia Ni Kristo na si Erano Manalo. Ang nangunguna sa El Shaddai na si Mike Velarde. Ang nangunguna sa Pakikiisa ng Katoliko sa mga Mabubuting Muslim na si Sebastiano D’ Ambra na nag-umpisa ng samahang Silsilah Dialogue Movement sa Mindanao.
- Mga may-ari ng mga istasyon ng radio at telebisyon at mga news anchor nito.
- Mga celebrities sa ngalan ng sining, boksing, basketball, bilyar at mga nanalo na sa Miss Universe, Miss International, Miss World, Miss Earth at ano-ano pang magagandang paligsahan ng ating mga Binibining Maharlikans na totoo namang nagpalukso ng ating diwa, dugo, at puso katulad ni Binibining Catriona Gray, hinirang na Miss Universe 2018, na lubos nating ipinagmalaki. Siya rin ay sanhi ng lubos na kaligayahan nating lahat sa buong kapuluan ng ating bansang Maharlika.
- Higit sa lahat, na ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kilala natin sa Katapangan, sana ay MANGUNA siya sa ating ipinaglalaban sa ating Kilusan upang Palitan ang Pangalang Pilipinas sa ngalang Maharlika (KPPM).