Kung mayroon kayong mga katanungan o' kumento mangyari lamang na makipag-ugnayan kayo sa amin.

blood compact ruined spanish fort at intramuros

Napapangarap ko para sa ating bansang Maharlika

I. Lahat ng mamamayan sa bansang Maharlika ay larawan ng ligtas at masayang tao.

II. Ang lahat ng kalye ay aspaltado o’ kungkreto na matibay, malinis at walang mga butas-butas na nakakasira ng ating mga sasakyan.

III. Ang ating mga Karagatan, Ilog, Dagat-Dagatan, Talon, Lawa  at Batis ay kumikislap kapag naaarawan ng dahil sa Kalinisan at kalinawan ng tubig nito.

IV. Ang ating mga Kagubatan ay walang nagkakaingin at nagkakalat . Doon ay makikita ang mga malalaki, matataas, malulusog at mga matipunong punong kahoy, dahil walang nangangahoy ng bawal sa batas (ilegal logging). Doon ang mga hayop sa kagubatan ay malulusog at magaganda dahil walang ilegal na namamaril o’ namamana.

V. Ang mga bahay malaki man o’ maliliit ay isa lang siguradong masasabi natin dahil ang mga ito ay laging malilinis pati ang kapaligiran. Ang mga may bahay ay naglalabas ng basura sa takdang araw ng pangongolekta ng basura, na hiwalay ang lagayan ng recyclable at basura.

VI. Ang mga ngalan at direksyon ng kalye ay lahat malalaki at reflectorized para mabasa sa gabi at para hindi maligaw ang mga naglalakbay at mayroon na rin tayong google map sa selpon.

VII. Ang mga Maharlikan ay mabubuting makisama sa kapwa tao, dahil pag nagsalita ay  katototohanan lamang at pag nangako ay tinutupad ng kumpleto sa tamang lugar, araw at oras. Kaya ang mga Maharlikan ay nararapat lamang na tawagin na Kagalang-galang.

VIII. Ang lahat ng mga naninilbihan sa ating pamahalaan ay mga taong tapat sa Bayan na hindi nangangailangan ng anomang suhol para tuparin ng malugod at tama ang kanilang mga tungkulin. Napapangarap ko rin na ang mga naninilbihan na tapat sa ating pamahalaan ay may suweldo na kayang bumuhay ng isang buong pamilya.

IX. Ang ating bansang Maharlika ay iginagalang sa buong mundo dahil sa pagiging “pinakadalubhasa” sa paggawa ng anumang produkto o’ serbisyo na gawa sa Maharlika para ikalakal sa buong mundo.

X. Ang mga tao sa ibang bansa ay nagliliwaliw sa ating bansang Maharlika para makakita ng hindi pangkaraniwang kagandahan at kalinisan ng ating mga syudad at kalikasan. Kaya nang bumalik sila sa kanilang sariling Bansa ay isa lamang ang masasabi nila sa ating bansang Maharlika,…. Kahanga-kahanga!!!

XI. Ang mga palengke sa buong Maharlika ay malilinis at hindi masangsang ang amoy kahit na sa lugar na nagbebenta ng mga isda.

XII. Ang mga nagmimina ng ilegal sa ating Bansa ay wala na, dahil sa silang lahat ay namayapa na. Sila ang salot sa ating lipunan na naging sanhi ng mga napakalaking pagguho ng lupa (erosion) na naging dahilan na matabunan ang mga bahay kasama ang mga nakatira doon at kanilang mga alagang hayop.

XIII. Ang mga nagbebenta at gumagamit ng ilegal na droga ay wala na, dahil sa sila ay namayapa na rin. Sila ang dahilan sa pagguho ng isang matahimik, masaya at nagmamahalang pamilya.

XIV. Ang sinumang gumagamit ng dinamita at anumang ilegal na paraan para mangisda ay wala na dahil sa sila ay namayapa na din. Ang kanilang ilegal na paraan sa pangingisda ay hindi parehas na pagnenegosyo mapanganib sa kanilang sarili at sa mga isdang maliit.

XV. Lahat ng mamamayan sa ating bansang Maharlika lalong-lalo na ang mga mambabatas, senador at senadora ay salitang Tagalog ang ginagamit sa pagpapaliwanag sa anumang diskurso o’ pagtatalo para ang ating mga mamamayan na nakararami ay lubos na maintindihan ang kanilang pinag-uusapan. Napapangarap ko rin na ang mga mambabatas, senador, senadora, mga husgado sa Korte Suprema, Pangulo, kanyang kabinete at kawani ay nagpapagalingan sa pagsasalita ng tunay na Tagalog dahil nauunawaan nila na napakaganda pala ng ating sariling wika. At para doon sa ating mga kababayan na nagsasalita ng wikang ingles para masabing sila ay may pinag-aralan kay sila ay nagpapasikat at para hangaan. Sa aking paniniwala ang taong dapat hangaan ay mga mabubuting tao lamang at hindi sa sila a

XVI. Napapangarap ko na wala na tayong suliranin sa Pollution dahil tinanggal na natin ang tatlong sanhi kaya tayo ay may maduming hangin. Una, dahil tinanggal na natin sa tungkulin at panghabambuhay na siyang hindi manunungkulan sa ating pamahalaan sa dahilang tumatanggap siya ng suhol para ipasa sa Emission Test ang mga sasakyan na nagiging sanhi ng pollution sa ating bansa. Pangalawa, ang ating pamahalaan ay isinisiguro na lahat ng Emission Tester ay siguradong magbibigay ng tamang resulta sa Emission Test. Pangatlo, Ang mga nakikita natin na industriya na nagpapalabas ng maruruming usok ay ginawan na ng paraan ng pamahalaan para ang mga usok na ito ay hindi makalason sa ating mga kababayan. Matapos malunasan ng ating pamahalaan ang una, pangalawa at pangatlong pangarap ay hindi na tayo kailangan gumamit ng pantakip sa ilong sapagkat malinis na ang ating hangin. At pangarap ko na ang mga taong namamahala sa kalinisan ng ating hangin ay hindi ipagsawalangbahala ang kahalagahan ng malinis na hangin sapagkat ang hangin kagaya ng tubig kung ang dalawang ito ay madumi, ay magiging sanhi ng sakit katulad nga kanser or magiging sanhi ng ating madaling kamatayan.

XVII. Napapangarap ko na wala na tayong suliranin sa Baha (Flood) dahil ang ating mga kalye ay nawala na ang mga basurang nakakabara sa pinupuntahan ng tubig (drainage) o’ kaya ang ating mga drainage ay malalaki ang butas at may takip na bakal kaya tuloy-tuloy ang paglabas ng tubig sa ating mga kalye.Ang mga drainage at malalaking konkreto na tubo ay taon-taong iniinspeksyon bago dumating ang panahon ng tag-ulan para siguradong walang nakabara sa drainage at kaya naman pagdating ng tag-ulan ay wala na tayong problema sa baha. Sa madaling salita, pagwalang basura sa kalye at malinis ang drainage at ang mga tubo na dinadaluyan ng tubig ulan ay wala na tayong problema sa baha. Himayin natin ang perwisyo na idinudulot ng baha kagaya ng mga sumusunod: 1.Maraming nagkakasakit sa baha dahil ang dumi na nanggagaling sa mga ipis at daga. 2.Ang ating mga kababayan ay nagkakasakit ng dengue dahil dumadami ang mga lamok. .3.Parang mga pagong ang mga sasakyan sa kalye na kung hindi mabagal ang takbo ay tuluyan ng tumirik sa gitna ng kalye at nagiging sanhi ng matinding trapik kaya ang mga nasa opisina ay nakauwi na ng alas sais ng gabi ang nagiging madaling araw na nakakauwi sa bahay nila.

XVIII. Napapangarap ko na ang bawat ilaw at CCTV sa poste ay lumiliwanag sa gabi na pinapaandar ng isang Solar Panel kaya hindi na tayo masyadong matatakot sa paglakad sa gabi at mabawasan na ang nerbiyos ng ating mga kababayan lalo na ang ating mga kababaihan pati na ating mga lolo at lola.

XIX. Ang gastos sa gamot at gastos sa edukasyon na siyang napakatibay na pundasyon sa kaunlaran ng Maharlika, ay hindi na suliranin ng ating mga kababayan dahil sinasagot na ng Pamahalaan ang 100 porsenyento nga pamahalaan kaya tayong lahat ay malusog at edukado.

XX. Napapangarap ko na wala ng Brownout o’ Blackout dahil ang nagpapatakbo ng ating kuryente ay Solar at Windmill para mawala na ang gastos ng bawat pamilya sa kuryente at mawala na rin ang mga linya ng kuryente na buhol-buhol na napakasamang tingnan.

XXI. Napapangarap ko na lahat ng bawat bahay sa eskuwater area ay bibisitahin ng pamahalaan at sisiguraduhing may dalawang miyembro ng pamilya ang nagtratrabaho.

XXII. Napapangarap ko na ang dapat ituro sa ating mababang paaralan ay ang kahalagahan ng mga sumusunod:1.Kahalagahan ng Pamilya 2.Kahalagahan ng pagsisilbi sa ating bayang Maharlika 3. Kahalagahan ng tamang pakikipag kapwa tao 4.Kahalagahan ng paglilinis ng kalikasan. Hindi na nag-aaksaya ng oras ang ating mga estudyante sa ating mga paaralan dahil sa elementarya palang ay itinuturo ang mga sumusunod:Una, kalinisan, kalusugan, kabutihang asal at pagiging makadiyos at pagiging makabayan. Pangalawa, reading, rithmitik at rithing (3R’s). Pagdating ng mataas na paaralan, ang ituturo naman ay ang kahalagahan ng pagiging independent.