Kung mayroon kayong mga katanungan o' kumento mangyari lamang na makipag-ugnayan kayo sa amin.

blood compact ruined spanish fort at intramuros

Para sa kaalaman ng iba, maraming bansa ang nagpalit ng pangalan sa iba’t-ibang kadahilanan. Ito ay patunay na ang ipinaglalaban ng Kilusan para Palitan ang ngalang Pilipinas sa ngalang Maharlika (KPPM) ay nasa tamang landas ng pagbabago.

Ang sumusunod ay sampu sa mga kilalang bansa na gumawa ng inisiyatibo para palitan ang kanilang pagkakakilanlan sa maraming kadahilanan.

1. Persia/Iran

Dahilan ng Pagpapalit ng Pangalan: Ang pangalang Persia ay pinalitan sa pangalang Iran noong Marso 1935 dahil kay Reza Shah na Ambassador ng Iran sa Almania. Ayon sa kasaysayan, ang pangalang Persia ay tawag ng mga banyaga sa bansa datapuwat Iran naman ang tawag ng mga tubong Iranian sa kanilang sarili. Sa huli, mas pinili ng mga katutubo ang lokal na tawag sa kanila na siya na ring naging bansag sa kanila hanggang ngayon; walang iba kundi ang pangalang Iran.

2. Kampuchea/Cambodia

Dahilan ng Pagpapalit ng Pangalan: Maraming pagkakataun na nabago ang pangalan ng Cambodia naaayon sa kagustuhan ng pinuno na naka-upo sa kapangyarihan. Halimbawa, ang bansa ay natawag na “Kaharian ng Cambodia” (1953-1970), “Republika ng Khmer” (1970-1975), “Demokratikong Kampuchea” (1975-1979), at “Estado ng Cambodia” (1989-1993). Simula noong 1993, binalik ang pangalang “Kaharian ng Cambodia” na siyang ginagamit sa kasalukuyan. Ang pangalang “Cambodia” ay kanluraning pagbanggit sa lokal na tawag na “Kampuchea” na ang ibig sabihin ay “Lahi ni Prinsipe Kambu.”

3. Burma/Myanmar

Dahilan ng Pagpapalit ng Pangalan: Ang bansang ito ay kilala sa dalawa nitong pangalan—‘Myanmar’ at ‘Burma.’ Mula ‘Burma,’ ito ay naging ‘Myanmar,’ at sa huli ay ginawang ‘Republic of the Union of Myanmar’ na naging paksa ng maraming kontrobersya. Ang pinakahuling pagbabago ay ginawa ng militar na junta noong 1989, isang taon makalipas ang madugong pagsugpo ng pag-aalsa kung saan ilang buhay ang naisakripisyo. Ang pangalang ito ay kinikilala ng ilang bansa, tulad ng France, Japan, at ang United Nations; ngunit hindi kinikilala ng mga bansang US at UK ang militar na junta na siyang nagbago nito.

4.Transjordan/Jordan

Dahilan ng Pagpapalit ng Pangalan: Pagkatapos ng ratipikasyon ng Treaty of London, pinangalanang Hashemiteng Kaharian ng Transjordan ang lugar. Noong 1949, pinalitan ang pangalan ng bansa ng Hashemiteng Kaharian ng Jordan base sa dinastiyang Hashemite at ang ilog Jordan kung saan nabautismuhan ang Panginoong Hesus.

5. Abyssinia/Ethiopia

Dahilan ng Pagpapalit ng Pangalan: Ang pagtatatag ng dinastiyang Solomonic ng mga Abyssinian noong 1270 ang naging dahilan sa pagbibigay ng pangalan sa buong bansa na “Abyssinia.” Ang Abyssinia ay nabago sa Ethiopia noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ni Hailesilase, ang X King ng Ethiopia. Ayon sa mga ibang iskolar, ang Ethiopia ay tinatawag na parehong pangalan mula pa noong ika-4 na siglo at ang pangalang Abyssinia ay nakilala lamang dahil sa mga Arabo at mas malaki ang sakop ng Ethiopia kaysa sa Abyssinia.

6. Bechuanaland/Botswana

Dahilan ng Pagpapalit ng Pangalan: Ang pangalan na Bechuanaland ay pinagtibay ng Britanya noong Marso 31, 1885 nang ito ay naging isa sa kanilang mga teritoryo. Binago ang pangalan nito noong nakamit nila ang kalayaan sa taong 1966, Setyembre 30. Ang Botswana ay binase sa pangalang “Tswana,” ang pinakamalaking grupo ng etniko sa bansa, na tinutukoy rin bilang Bechuana sa mas lumang pagbabaybay.

7. Ceylon/Sri Lanka

Dahilan ng Pagpapalit ng Pangalan: Ang Sri Lanka ay kilala mula sa simula ng kolonyal na paghahari ng Britanya bilang Ceylon, sa taong 1815 hanggang 1948. Ang Ceylon ay isang transliterasyon ng Ceilao, ang pangalan ng bansa sa ilalim ng Portuges na unang mga kolonyal na pinuno. Ang pangalang Sri Lanka ay ipinakilala sa panahon ng pagtulak para sa kalayaan sa unang bahagi ng ika-20 siglo. Ginamit ito ng Marxist Lanka Sama Samaja Party at ipinakilala rin ito ng Sri Lanka Freedom Party. Opisyal na pinagtibay ang pangalan na “Ang Republika ng Sri Lanka” noong 1972 at binago ang pangalan sa “Demokratikong Sosyalistang Republika ng Sri Lanka” noong 1978.

8. Zaire/Democratic Republic of the Congo

Dahilan ng Pagpapalit ng Pangalan: Ang Democratic Republic of Congo ay pormal na kilala sa pamamagitan ng ilang mga pangalan tulad ng Congo Free State, Belgian Congo, at Congo-Leopoldville. Nagmula sa pangalan ng ilog Congo, pinangalanan ang bansa ng “Republika ng Congo” noong 1960 pagkatapos makamit ang kanilang kalayaan. Mula 1971 hanggang 1997, ang opisyal na panangalan ng lugar ay “Republika ng Zaire” kahit na ang Soberanong Pambansang Kongreso ay bumoto upang baguhin ang pangalan pabalik sa “Demokratikong Republika ng Congo” noong 1992.

9. Upper Volta/Burkina Faso

Dahilan ng Pagpapalit ng Pangalan: Pinalitan ni Pangulong Thomas Sankara ang pangalan ng bansa sa Burkina Faso, o kilala bilang Upper Volta, noong Agosto 1984. Ang mga pangalang “Burkina” at “Faso” ay mula sa dalawang pangunahing wika sa bansa. Ang pangalan na “Upper Volta” ay ibinigay ng kolonyalistang Pranses dahil sa River Volta na dumadaloy sa buong bansa. Ang Burkina ay nangangahulugang “matapat na tao” sa wikang Moore habang ang Faso ay nangangahulugang “amang bayan” sa wikang Dyula. Pag pinagsama ang dalawang salita, ito’y nangangahulugang “lupain ng mga taong tapat.”

10. Dahomey/Benin

Dahilan ng Pagpapalit ng Pangalan: Bago pa man tinawag na Republika ng Benin, ang bansang Dahomey ay dating nasa ilalim ng isang makapangyarihang pre-kolonyal na kaharian. Ang Kaharian ng Dahomey ay bantog sa mga dalubhasang kababaihang mandirigma na nagsilbing mga bantay ng hari. Binago ng bansa ang pangalan nito mula sa Dahomey hanggang sa Republika ng Benin labinlimang taon matapos maabot ng bansa ang kalayaan nito noong 1975 sa ilalim ng pamumuno ni Mathieu Kerekou. Ang pagbabago ng pangalan ay naihalintulad sa Marxist-Leninist ideals na pinaniniwalaan ni Kerekou.